September 27th, 2008

RESBAK 101

BAGONG KASABIHAN: DON'T JUDGE A BLOG ENTRY BY ITS LENGTH. HINDI PORKE'T MAHABA...BORING NA! HEHEHE.
Hindi ko talaga gawain ang gumanti sa mga taong gumawa ng masama sa akin. Hindi kasi ako war freak eh. I fight my battles silently. For the sake of peace, hangga't makakapagpasensya, magpasensya. Pero ang pagtitimpi ay katulad ng isang goma na kahit na gaano ka-elastic ay napapatid din. Katulad na lang ng dati kong jowa na tatlong taon ko ding pinagtiisan...este tatlong taon ding nagtiis sa akin. Mahal ko 'yun, sobra! Walang kasing haba ang... pasensya nun. Kaya nga tumagal kami ng tatlong taon eh. Ngunit, subalit, datapwa't hindi siya ang pag-uusapan natin dito (naalala ko lang siya bigla. Nakaka-miss eh.) kundi ang mga tao na umabuso sa aking kabaitan... mga tao na gusto kong resbakan. Actually, yung iba nga sa kanila mga mukha lang tao, pero mga hayop talaga sa totoong buhay. Naalala ko tuloy 'yung nakakatuwang sign sa ilalim ng hagdan ng MRT Kamuning station. Nakasulat 'yun in bold letters: "BAWAL OMEHE DETO. HAYUP KA BA? TXT BACK!".


Dahil hindi ako nagkaron ng pagkakataon na resbakan sila noon, please...kahit ngayon lang, allow me to serve my sweet revenge by putting their names here. Pero...sige na nga! Ayoko namang lumabag sa code of ethics na nakasulat sa ethics manual ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko kaya bibigyan ko na lang sila ng code name. WARNING: BATO-BATO SA LANGIT...ANG TAMAAN SAPUL! LINTEK LANG ANG WALANG GANTI! GETS MO? TEXT BACK! So shake, rattle and roll at magbasa ka ng mabuti... baka isa ka sa kanila. *eyes rolling*


1. J.T.- Siya ang stalker ko 2 years ago. Saksi ang ka-opisina kong si Winnie the Pooh, ang dati kong program manager, ang emperadora ng show ko ngayon at yung babaeng gwardiya sa dorm na tinutuluyan ko. Masyado silang nag-alala sa akin. Hindi kasi sila makapaniwala na sa ichura kong toh may stalker ako. Bakit maganda naman ako ah. Di nga lang kasing ganda ni Ann Curtis at Marian Rivera. Pano na kung naging kasing ganda nila ako, eh di sampung lalakeng halang ang kaluluwa dapat ang reresbakan ko. Sa pamamagitan ng aking mga bubuwit, nalaman ko na siya pala yung kaibigan kong baliw na binasted ko noong college. Ang ganda ko talaga! Ang komontra panget! Minsan ikukwento ko dito sa blog ko kung paano niya ginulo ang buhay ko noon. Ngayon palang nagsi-sink in sa isip ko ang mga nangyari. Ngayon ko pa lang nararamdaman ang trauma. Dati kasi parang wala lang. Hindi ko naman alam na may epekto pala talaga sakin yung nangyari. Ngayon ko pa lang nararamdaman ang takot na dapat noon ko pa naramdaman... Ngayon pa lang ako nagagalit sa kanya! May nakapagsabi sa akin na buhay pa rin siya at andyan lang sa tabi-tabi. Tae niya! Sa mga oras na ito gusto ko siyang ipa-ambush! Kung subukin man niya na guluhin ulet ako eto lang masasabi ko... balisong lang naman at pesticide ang meron ka eh..."TRY TO HURT ME! I HAVE A GUN!". (line courtesy of kafated).


2. YUNG MANYAK NA LALAKENG NAKASAKAY KO SA MRT. May nakasakay kasi ako minsan sa MRT na isang may ichurang lalake. Oo tama, may ichura xa. Sabi nga ng kaibigan kong baklang nasa kabilang network na ngayon, lahat naman ng tao may ichura. Kung kalsada nga may ichura, tao pa kaya? 'Yun nga lang di kanais-nais ang ichura niya. Katabi ko siya sa upuan. Akala ko siksikan lang kaya medyo napapadikit ang binti niya sa binti ko. Siksikan na nga, ang likot-likot pa niya. Parang di siya mapakali. Pero pagdating sa Ayala station, lumuwag ang upuan dahil maraming pasahero ang bumaba. Umisod ako sa kaliwa kasi naaasiwa talaga ako sa pagiging malikot niya. Nagulat ako nang pag-isod ko, umisod din siya. Eh ang luwag kaya ng pwesto dun sa tabi niya tapos sa tabi ko pa sumiksik. Maya-maya naramdaman ko na naman, dinidikit na naman niya ang binti niya sa binti ko. Nabastusan na ako. Pero grace under pressure pa rin ang drama ko. Para hindi naman ako magmukang eskandalosa, tinapakan ko ang paa niya para iparamdam sa kanya na tae niya, tigilan niya ang ginagawa niya. Tapos tiningnan ko siya ng masama. Ampotang lalake, parang nang-aasar pa. Nginitian pa ako. Bwiset!


3. SI KEMEROT. Siya 'yung "...ista" na kaibigan ng kaibigan ko rin. (Bahala na kayong mag-isip kung lasalista ba o atenista). Nagtanong si kemerot... "Saang school ka graduate?" Sumagot ako loud and proud... "Enverga University Foundation." Nairita ako sa sagot ni kemerot... Sabi ba naman... "Ay saang bundok yun?Never heard of it.". Tiningnan ko muna ang expression ng mukha niya bago ako nagreact. Seryoso siya. Hindi siya mukhang nagbibiro. At saka heller! Hindi kami close para kumuda siya ng ganun! Sensitive pa naman ako noong mga panahon na 'yun kaya na-hurt talaga ako sa tanong niya. Dinaan ko na lang sa tawa para hindi ko naman masyadong maramdaman na na-offend ako. Ayoko talaga na inaapi-api ang school ko! Kahit nasa bundok yun magagaling naman ang mga tao dun. Nabalitaan ko na hindi nakapasa si kemerot sa pre-hiring exam dito sa network. Parang gusto ko tuloy na makita siya ngayon. Hahaha.


4. SI M.A.R. Isa siya sa mga naging propesor ko noong college. Ngayon ko lang aaminin na crush ko ang propesor na ito. Moreno, matangkad, gwapo at matalino. Humahanga ako sa mga pananaw niya sa buhay at marami rin akong natutunan sa kanya. Pero bakit gusto ko siyang resbakan? Kasi naman, nilait-lait niya ng husto ang aking kaibigang si Mama Z! Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya. Wala daw mararating si Mama Z. Bobo daw at hindi magaling. Hanggang ngayon hindi ko pa nasasabi kay Mama Z na kumuda ng ganun si gwapitong propesor. Ayoko kasi siya ma-hurt eh. Ang dami pa namang nakarinig. Ngayon si Mama Z, nagtatrabaho sa isang malaking TV Network at hindi lang basta-basta ang posisyon niya. Parang gusto ko tuloy sampalin si sir gwapo at sabihin sa kanya na..."Tae mo sir! 'Yung estudyanteng sinabihan mo ng bobo, isa siya sa mga gumawa ng hinahangaan mong palabas sa telebisyon ngayon."


5. THE POWERTRIPPERS. Naku maraming ganito sa paligid ko. Mga taong katulad ng nasa blog ni bakla kong kafated. Yung mga taong porke't may posisyon ganun-ganun na lang kung makakuda sa subordinates. Kulang na lang lagyan ka ng tali sa leeg o kaya ilagay ka sa stick para tuluyan kang maging puppet. Kung sa kanila kaya gawin yun. Gusto ko rin maramdaman nila ang pakiramdam ng napapag-tripan.


Hay... napapapakanta na lang tuloy ako. Kahit hindi ko trip ang musika ng Systems of a Down bigla ko silang naging lab ngayon. Nakakarelate kasi ako sa lyrics ng kanta nila...

Oh my sweet revenge...

Will be yours for the taking

It's in the making baby, aaaaaahhh

My sweet revenge...

Will be yours, for the taking

It's in the making baby, aaaaaahhh


Ikaw, may gusto ka bang resbakan?

Posted by shewhositsalone at 07:52 PM | Ur Confessions

September 25th, 2008

GALIT NA SI BOB ONG

GALIT NA SI BOB ONG
Dati usong-uso ang pagpo-porward ng mga inday kowt sa text. Ngayon naluma na si Inday. Ang mga kowt ng matatalinong karton karakter katulad ni Bugs Bunny, Garfield at Doraemon naman ang kumakalat sa text. Pero syempre hindi patatalo ang hinahangaan ng lahat na si Bob Ong. Marami sa mga tagalog kowts na natatanggap ko ay ang mga kataga at linyang matatagpuan sa mga libro na sinulat ni Bob Ong. Mga simpleng linya lamang pero tagos sa buto ang mensaheng iniiwan. Noong isang gabi nakatanggap ako ng text. Hindi ko inakala na kowt pala 'yun. Akala ko wrong sent message. Dahil may bakanteng espasyo sa ibaba ng text, naisipan kong mag-scroll down... at natawa ako ng makita ko ang pangalan sa dulo ng kowt. Sabi ng kowt:

"Bakit ba lahat na lang ng sinasabi ko ginagawa niyong quotes?!!!!"-Bob Ong.-

Hala! Apat na exclamation point ang nasa dulo ng tanong niya! Galit na si Bob Ong!
Posted by shewhositsalone at 09:10 PM | 3 Confessed

September 18th, 2008

EXODUS

Last week, we made a successful escape from the "reel" world. My office buddies and I went to Touch of Glory Prayer Mountain, a retreat house in Antipolo. It took us a couple of jeepney rides before we got there and though the travel was tiring, it was worth it because the place is really awesome! It was past 8pm when we took our last jeepney ride going to TGPM. While we were on the jeepney, two men in their thirties volunteered to accompany us to the place. I appreciate their kindness, however I was kind of scared and skeptical because I really don't trust strangers. Plus, being exposed to stories of real-life violence hightened my distrust to people I don't know, especially MALES. So when we got off the jeepney, we walked along a dark road going to TGPM. As we walked, I recalled the practical self-defense tactics I learned from Artemio Mancol, a martial arts instructor I met last year. I reached for my keys in my pocket and for the isoprophyl alcohol inside my bag and kept my distance from the two men. Why alcohol and keys? I will answer that in future entries.

After more than ten minutes of walking through the dark road, my heart skipped when I saw the TOUCH OF GLORY PRAYER MOUNTAIN sign. Finally we got there! We said thank you and goodbye to...uh... see? We don't even know the name of the two men. We didn't ask! I have the keys and isoprophyl alcohol, but I didn't ask for their names. How stupid! Haha! Then the adventure began! After the registration, we headed straight to the attic. Since we are all picture-freaks (peace!), we took a lot of pictures there. I love the place! It's sooo quite! It is a perfect place if you want to detach yourself from your busy world. While I was there, I forgot how stressful my job is. The prayer garden was really nice and for the first time after a LOOOOOONG time, I played in the rain--an experience of complete FREEDOM! God knows how much I have been longing to go to a quiet place. A place where the music is the sound of the birds, the falling rain and of the leaves that gently sway with the wind. Soooo relaxing! So if you want some quite time or if you want to be alone, TGPM is really the perfect destination. You'll love it there!
Posted by shewhositsalone at 05:27 PM | 1 Confessed

August 30th, 2008

Eheads Concert Tinigil?

Tonight is the reunion concert of Eheads, but I received a text message from a friend, saying na tinigil ang eheads concert kasi may sakit daw sa puso si Ely.... Hmmm...

Posted by shewhositsalone at 10:50 PM | 5 Confessed

August 28th, 2008

My Super Pekpek

Nagulat ka ba nang mabasa ang title ng post na ito? Well, kung di ka pa rin makapaniwala sa nabasa mo, gusto kong sabihin sayo na believe your eyes! Tama ang nabasa mo. Kung ikaw ay isang babae matuwa ka, dahil good news ito para sa iyo. Kung lalake ka naman, ito ay magsisilbing babala para sayo.

Isang grupo ng mga pekpek--mga adventurous at galit na galit na mga pekpek ang naghahasik ng isang magandang lagim ngayon. Pero hindi ito bastos, ok? Hindi rin ito lokohan. Totoo ito! Super Pekpek ang tawag sa grupong ito. Ito ay pinangungunahan ni Elsa na nagmula sa planetang Pektonia. She was raised by a coconut vendor mang gusting..she saw how women are being fooled by men in love and in lust so she decided to avenge all female victims.

Ano ba ang objective nila? Humanda ka... kasi medyo nakakatawa... Kowt and kowt mula sa mga super pekpek heroes:

"Ang objective lang naman ng Superpekpek ay turuan ng leksyon ang mga etits na mapagsamatala at ipaghiganti ang mga pekpek na naapi..."

OH my Superpekpek!!!! Vongacious ang mission statement nila. Hahaha.

Nakita ko lang ang website nila habang nagre-reseach ako sa Google about women's organizations that aim to stop domestic violence. Nang mabasa ko ang objective nila, hindi ko talaga mapigilan ang mapatawa. Kung tutuusin, medyo may pagkabalhura ang ibang words sa website pero, kung gusto mong maaliw at mag-alis ng stress pwede na siyang pagtyagaan. Kung gusto mong makabasa ng mga nakakaaliw na kwento, puntahan mo ang website nila:http://www.geocities.com/superpekpek/.

Go Elsa and Superpekpek heroes!

Currently feeling: crazy
Posted by shewhositsalone at 06:20 PM | 5 Confessed
« Newer | »